DOTS2 – Introducing the Vietnamese Fandom

Ang Vietnamese fandom ay katulad din ng fandom sa ibang bansa gaya ng Japan, Korea at China pero hindi ito masyadong kilala kumpara sa mga nabanggit na bansa. Mula sa panahon ng HUG hangang nagun, ang Dong Bang Shin Ki ay hindi lang namen idol kundi isa na din sa mga rason kung baket ginagawa namen ang aming makakaya sa panahon ng paghihirap. Ang kanilang mga kanta, mga salita at ang katotohanang nandito sila sa mundo ang naging inspirasyon namen. Ngunit ang mala-fairytale na fandom na eto ay naging isang fandom kung saan ang mga fans ay dumadating at umaalis kung kelan nila gustuhin. Ang ilan ay umalis na, ang iba ay sinusuportahan pa din ang 5 at ang iba naman ay piniling sumuporta ng isang side lamang. Okay lang samen kung anu mang desisyon ang gawin nila. Nanatili kameng kalmado at tahimik ngunit ang mga balita ay lalong lumala na naging dahilan upang ang kapwa mga fans ay magaway. Nakakalungkot at nakakapagod makita ang mga fans na nagaaway-away at ang iba naman ay nanatili na lang tahimik dahil na rin sa nakakasawang alitan ng mga fans ng magkabilang panig. Samantala, ang ilan sa mga fans na naniwala sa mga kasinungalingan at ang ibang nanatiling tahimik na lamang sa issue ay naiwan na hindi naliliwanagan. Ang mga JYJ fans ng Vietnam ay kalimitang kumukuha ng info tungkol kina Jaejoong/Yoochun/Junsu at para na din maipakita ang respeto, pagmamahal at suporta sa mga kilalang sites tulad ng TheJYJFiles, JYJ3, etc. Ngunit,hindi lahat ay nakaintindi ng English at ang ilang info naman ay hindi na nakakaabot sa kanila. Kaya naman hindi lahat samin ang nabibigyan ng tsansa na makasali sa mga international projects o malaman ang mga pangyayari. Kaya hayaan nyo kame na tulungan kayo na palakasin ang power, spread ang love at supportahan ang JYJ.

Advertisements
This entry was posted in Filipino and tagged . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s